NAIINIS AKO.

Naiinis na ko sa sarili ko kasi hindi ko magawang hindi ka magustuhan. Bakit kasi pati sa panaginip ko nagpapakita ka? Ikaw na nga laging nasa isip ko kapag umaga nang hindi sadya. Pati ba naman sa gabi? Sobra na. Tama na. Tigilan mo na ko. Hindi ko na yata kayang pumikit kasi mukha mo lagi yung nakikita ko. Kung pwede nga e lumayo na lang ako… kaso hindi pwede. Masyadong marami yung madadamay. Isa pa, anong karapatan ko para layuan kita? Hindi nga tayo nagpapansinan madalas, diba? At hindi rin tayo magku-qualify sa kategoryang “friends.” Haha ang kapal talaga ng mukha ko. Feeling na naman ako. Katulad nung pagbibigay-malisya kapag nahuhuli kitang tumitingin sakin tapos ibabaling mo ang tingin sa iba. Feeling. Feeling talaga.

Bat pa ba kasi kita tinitingnan minsan… madalas, actually. Pero minsan tinititigan kita nang hindi ko namamalayan tapos matatauhan na lang kung mapapangiti ako. Shit. Eto na naman. Kinikilig na naman ako.

Ilang beses ko nang sinubukang alisin ka sa isip ko. Hinide na kita sa Facebook pero lagi ko naman pinupuntahan profile mo. Pati nga Google Chrome memorize na yung URL ng profile mo. Tinigilan ko na nga ang panonood ng mga romcom at pakikinig sa kahit anong kanta na mabagal ang usad ng melodiya. Nag-focus na ko sa pangungolekta ng stickers galing sa Starbucks. Pinilit ko na rin sarili ko na magustuhan yung ibang lalaki, baka kasi mas okay sila kaysa sayo. Pero hindi e, mas cool ka. Mas gusto kita. Tangina this.

  November 23, 2011 at 11:54pm